top of page

Pinataob ng Ginebra, ang #2 na RoS; 114-90


Photo by: pba.ph
Photo by: pba.ph

Nilampaso ng Gin Kings ang RoS, sa unang paghaharap ng Ginebra at RoS (Rain or Shine) sa PBA 50th Season Commissioner's Cup, sa Smart Araneta Coliseum, nitong ika-tatlo ng Mayo. Pinataob ng #3 sa standings ang #2 na RoS.

‎Sa unang kuwarter, nag-init agad ang import ng Ginebra na si Justin Brownlee, kaya nakalamang agad sila sa unang bahagi. Kaso kahit ganoon, dikit pa rin ang iskor sa 21-20; angat ng isa ang Gin Kings.

‎Sa ikalawang kuwarter, umarangkada na ang Ginebra dahil na rin sa tulong ng mga role player nila. Medyo lumayo ang iskor, 51-42 lamang, at ng siyam (9) ang Gin Kings.

‎Sa ikatlong kuwarter, pagpasok pa lang ay gumawa na agad ng run ang Ginebra. Hindi pa rin nakakahawak ng lamang ang RoS. Lalo pang lumayo ang iskor: 86-70.

‎Sa pagdako natin sa ikaapat na kuwarter, mas tumindi ang sagupaan; pareho, ayaw magpadaig ang dalawang koponan. Kaso hirap pa rin ang RoS sa Ginebra. Lalong umalagwa na ang iskor ng Ginebra. Sa dulo, nakuha rin ng Ginebra ang panalo sa pangunguna ni Justin Brownlee na nagtala ng 40 puntos.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page