top of page

Pinataob ng Lucky 14, ang Overhead; 50-49


Gigil na bumawi ang Lucky 14 sa Overhead. Matapos ang pagkatalo nila sa nakaraang basketball league sa kamay ng Overhead, siniguro ng Lucky 14 na mapapataob nila ito, sa Tabon Summer League, na ginanap sa Tabon basketball court, nitong May 4 sa iskor na 50-49

‎Sa unang kuwarter pa lang, nagpakitang-gilas na ang mga beteranong player ng Overhead upang lamangan ang Lucky 14. Natapos ang unang kuwarter sa iskor na 19-15.

‎Sa ikalawang kuwarter, umarangkada pa ang Overhead kaya lalo pang lumaki ang agwat sa iskor. Walang maisagot ang Lucky 14 sa ginawa ng Overhead. 30-22

‎Sa ikatlong kuwarter, dumikit na ang Lucky 14 sa Overhead. Bumawi ng kaunting run ang Overhead upang hindi makuha ng Lucky 14 ang kalamangan. Bitbit nang malakas ang player ng Overhead na si John Robert. Lamang pa rin naman ng apat ang Overhead, 39-35.

‎Sa pagdako natin sa ikaapat na kuwarter, mas tumindi ang sagupaan; tira kontra tira na ang naging sagutan. Dito rin nawala ang best player ng Overhead dahil nakuha na ang panglimang foul, kaya nakuha na rin ng Lucky 14 ang kalamangan. Ngunit hindi pa rin nagpadaig ang Overhead. Sa mga huling minuto, nagpakawala ng dalawang makapigil-hiningang tres (3) ang shooter ng Overhead. May pag-asa pang manalo ang Overhead dahil nanakaw nila ang bola, kaso namali ng pasa kaya sa kalaban na pumunta. Nasayang ang 18 puntos ni John Robert sa laro.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page