top of page

Pokemon Pocket TCG, sa ToyCon PH NEXUS 2026


Magkakaroon ng Pokémon Pocket TCG sa TOYCON PH NEXUS, na gaganapin sa Function Room 2 ng SMX Convention Center sa June 13, 2026. Hinihikayat ang mga manlalaro na sumali at ipakita ang kanilang suporta sa nasabing event.

‎Limitado lang ang makakapaglaro sa nasabing event. May tatlumpu't dalawa (32) lang na slots ang ibinigay ng TOYCON PH. Para sa mga dadalo, maaaring kumuha ng ticket online. Makikita ang link sa  official Facebook page ng TOYCON PH. Gaganapin ang nasabing event sa SMX Convention sa June 13, 2026. Makukuha ang libreng ticket, at sa parehas na araw din gaganapin ang laban.

‎Narito ang mga patakaran sa laro: Magdala ng sariling portable battery. Ang pag-iskor sa laro ay kailangang  pataobin ang katunggali. Lahat ng magiging round ay may best-of-3. Maaaring magpalit ng deck kada round. Sa pagtatanggal ay direktang magkakaroon ng isang puntos ang katunggali. Mahigpit na pinagbabawalan ang  pagsabi ng opinyon ng mga audience patungkol sa laro, dahil maaari nilang makita ang screen ng magkatunggali. Panatilihing magalang at mabuti sa katunggali.

‎Aabangan kung sino ang magiging kampeon sa darating na sagupaan sa June 13, 2026 sa SMX Convention.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page