top of page

Project NOAH gagamit ng ₱1-B pondo para sa high-resolution flood mapping


MANILA, Philippines — Gagamitin ng Project Nationwide Operational Assessment of Hazards (Project NOAH) ang bagong ₱1 bilyong pondo nito upang palakasin ang flood management at makabuo ng mas detalyadong hazard information para sa mga lugar na nanganganib sa pagbaha sa bansa.

Ayon kay University of the Philippines professor at Project NOAH Executive Director Mahar Lagmay, kabilang sa paggagamitan ng pondo ang paggawa ng high-resolution mapping ng mga pangunahing river basin at pagpapalawak ng suporta para sa Oplan Kontra Baha.

Layunin ng mas detalyadong mapping na magamit ang scientific data sa pagtukoy ng mga lugar na may mataas na flood risk at makatulong sa pagpaplano ng mas angkop na flood-control at disaster-risk reduction interventions.

Binigyang-diin ni Lagmay na mahalagang maging evidence-based at science-driven ang paggastos ng pamahalaan, lalo na't limitado ang mga mapagkukunan ng bansa.

“We can't just spend and spend and spend na tantsa lang ang tantsa. We have to be smart about it. We have to be evidence-based. We have to use science,” ani Lagmay.

Umaasa rin siyang hindi magiging isang beses lamang ang paglalaan ng pondo sa programa at magkakaroon ito ng tuloy-tuloy na suporta upang mapalawak ang paggamit ng siyensya at hazard mapping sa pagtugon sa problema ng pagbaha sa bansa.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page