top of page

ProtecTEEN Program, isinagawa para sa mga adolescent mothers at kanilang mga pamilya


PULILAN, Bulacan — Isinagawa ang ProtecTEEN: Support and Intervention Program for Adolescent Mothers and their Families sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Joliza Tayao, bilang bahagi ng mga programang naglalayong suportahan ang kapakanan ng mga kabataang ina at kanilang mga pamilya.


Nakiisa sa programa si Vice Mayor Atty. Imee Cruz bilang pagpapakita ng suporta sa mga inisyatibang nagbibigay ng tamang kaalaman, paggabay, at mga serbisyong makatutulong sa mga kabataang nahaharap sa iba't ibang hamon sa buhay.


Layunin ng ProtecTEEN Program na palakasin ang kamalayan ng mga kalahok sa mahahalagang usapin na may kaugnayan sa responsableng pagiging magulang, kalusugan, at iba pang aspeto ng pag-unlad ng pamilya sa pamamagitan ng mga lecture at intervention activities.


Ayon sa MSWDO, ang patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at iba't ibang sektor ay mahalaga sa paglikha ng isang ligtas, malusog, at mas maayos na kinabukasan para sa mga kabataang Pulilenyo at kanilang mga pamilya.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page