top of page

Prusisyon ng St. Dominic Academy daraan sa ilang kalsada sa Pulilan

Oct 6
1 min read

Photo courtesy: St. Dominic Academy
Photo courtesy: St. Dominic Academy

PULILAN, Bulacan — Pinapayuhan ang mga motorista at commuter na asahan ang posibleng pagbabago sa daloy ng trapiko dahil sa isasagawang prusisyon ng St. Dominic Academy of Pulilan, Inc. bandang 4:30 ng hapon ngayong Oktubre 6.

Bahagi ang prusisyon ng culmination activities ng Family Rosary Crusade ng paaralan, kung saan lalahok ang ilang Dominican at Marian religious images.

Naglabas ang paaralan ng abiso hinggil sa rutang dadaanan ng prusisyon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga motorista at commuter na makapaghanda at makagamit ng alternatibong ruta kung kinakailangan.

Pinapayuhan ang mga dadaan sa mga apektadong lugar na maglaan ng karagdagang oras sa biyahe at sundin ang mga traffic advisory habang isinasagawa ang prusisyon.


Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page