top of page

Pulilan Fire Station nagsagawa ng Fire Safety Seminar at Drill sa Glory Goods Packaging and Trading


PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ang Pulilan Fire Station ng Fire Safety Seminar and Drill noong Agosto 4 sa Glory Goods Packaging and Trading sa Brgy. Dampol 2nd B, Pulilan bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagpapalakas ng kahandaan laban sa sunog.

Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ni FSINSP Khenlee D. Bawing, Municipal Fire Marshal ng Pulilan Fire Station, sa ilalim ng superbisyon ni FSSUPT Jose Raymund B. Manimbo, Provincial Fire Marshal ng BFP Bulacan, at sa pangkalahatang pamumuno ni FSSUPT Bernard T. Rosete, Acting Regional Director ng BFP Region III.

Kabilang sa mga tinalakay sa seminar ang mga pangunahing kaalaman sa fire prevention, tamang pagtugon sa oras ng sunog, at wastong paggamit ng mga kagamitan sa pag-apula ng apoy. Sinundan ito ng isang fire drill upang maisagawa ng mga kalahok ang mga natutunang emergency procedures.

Ayon sa BFP Pulilan, layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga empleyado sa tamang pagtugon sa mga insidente ng sunog at iba pang emergency upang mapanatili ang kaligtasan sa lugar ng trabaho.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page