top of page

Pulilan Fire Station nagsagawa ng Fire Safety Seminar at Drill sa Our Lady of Mercy General Hospital


PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ang Pulilan Fire Station ng Fire Safety Seminar and Drill ngayong Agosto 5 sa Our Lady of Mercy General Hospital sa Brgy. Longos, Pulilan, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman at kahandaan sa pag-iwas at pagtugon sa mga insidente ng sunog.

Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ni FSINSP Khenlee D. Bawing, Municipal Fire Marshal ng Pulilan Fire Station, sa ilalim ng superbisyon ni FSSUPT Jose Raymund B. Manimbo, Provincial Fire Marshal ng BFP Bulacan, at sa pangkalahatang pamumuno ni FSSUPT Bernard T. Rosete, Acting Regional Director ng BFP Region III.

Sa pamamagitan ng seminar at drill, nabigyan ang mga kalahok ng kaalaman hinggil sa fire safety, emergency procedures, at mga tamang hakbang na dapat gawin sakaling magkaroon ng sunog, partikular sa isang healthcare facility kung saan mahalaga ang mabilis at organisadong emergency response.

Bahagi ang naturang aktibidad ng patuloy na kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang mapalakas ang fire safety awareness at kahandaan ng mga establisimyento at institusyon sa Pulilan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page