top of page

Pulilan itinanghal na Top Seller LGU, 3rd Place sa Best Dressed Booth sa BUFFEX

Sep 4
1 min read

Dalawang pagkilala ang naiuwi ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa ginanap na Bulacan Food Fair & Exposition (BUFFEX) matapos itong tanghaling Top Seller LGU at 3rd Placer sa Best Dressed Booth.

Tampok sa paglahok ng Pulilan sa exposition ang iba't ibang lokal na produkto at pagkain mula sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) at food producers ng bayan.

Layunin ng paglahok sa BUFFEX na mabigyan ng mas malawak na merkado at exposure ang mga lokal na negosyo at maipakilala sa publiko ang mga produktong gawa ng mga Pulilenyo.

Binigyang-pagkilala rin ng lokal na pamahalaan ang kontribusyon ng mga local entrepreneur, food producer at iba pang sektor na nakiisa sa exposition.

Nagpasalamat naman ang Pamahalaang Bayan sa suporta ni Mayor Rolando “RJ” Peralta Jr. sa mga MSME at sa mga naging bahagi ng delegasyon ng Pulilan sa BUFFEX.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page