top of page

Pulilan LGU nagsagawa ng Fun Run

‎Nagsagawa ng isang Community Run ang alkalde ng Pulilan upang ilunsad ang paninindigan laban sa ilegal na droga. Ang pagtakbong ito ay isinagawa noong Sabado, ika-25 ng Hulyo. Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa pangunguna nina Mau De Guzman at PVLSE. Malaking pasasalamat ang isinaad ng punong-bayan ng Pulilan na si RJ Peralta sa mga nakidalo at nakiisa sa takbuhan.

‎Ang Community Run na ito ay hindi lamang tungkol sa pagpapanatili ng mabuting at magandang kalusugan. Ito rin ay sumisimbolo sa paninindigan laban sa ilegal na droga.

‎Dahil sa matinding suporta ng bawat mamamayan, isinasagawa na ito buwan-buwan upang mas maraming Pulileño ang magkaroon ng isang positibo, ligtas, at makabuluhang aktibidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page