top of page

Pulilan MDRRMO, nagsagawa ng Seminar para sa mga opisyal ng Brgy. Poblacion



PULILAN, Bulacan — Nagsilbing resource speaker ang Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa isinagawang Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Seminar para sa mga opisyal at miyembro ng Barangay Poblacion. Isinagawa ang dalawang araw na seminar sa Paro-Paro Hill, DRT, Bulacan noong Hunyo 19 hanggang 20, 2026.


Ang seminar ay isinagawa bilang tugon sa kahilingan ng Barangay Poblacion sa pamamagitan ng isang liham na humihiling ng pagsasanay para sa kanilang mga opisyal.


Tinalakay sa seminar ang iba't ibang paksa tungkol sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), kabilang ang disaster preparedness, emergency response, incident management, at iba pang mahahalagang hakbang upang mapalakas ang kahandaan ng barangay sa panahon ng sakuna at iba pang emergency.


Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok upang mas maging handa at mas epektibo ang kanilang pagtugon sa mga kalamidad at iba pang sitwasyong pang-emergency sa kanilang komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page