top of page

Pulilan PNP naglunsad ng information drive para sa mga estudyante

Sep 16
1 min read

Nagsagawa ang Pulilan Municipal Police Station (MPS) ng Youth Information Drive para sa mga Grade 7 hanggang Grade 12 students ng Liceo de Pulilan sa Robinsons Place Pulilan.

Sa pangunguna ni PLTCOL Eric C. Cister, Chief of Police ng Pulilan MPS, tinalakay sa programa ang mga usaping may kaugnayan sa kaligtasan, karapatan at responsibilidad ng mga kabataan.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang Republic Act No. 7877 o Anti-Sexual Harassment Act, RA 11313 o Safe Spaces Act, RA 10627 o Anti-Bullying Act, gayundin ang bomb threat awareness.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magtanong at makilahok sa talakayan upang higit na maunawaan ang mga batas at mga hakbang na dapat gawin sa mga sitwasyong maaaring makaapekto sa kanilang kaligtasan.

Ayon sa Pulilan PNP, nakatakda pang magsagawa ng mga katulad na information drive sa iba't ibang paaralan sa bayan bilang bahagi ng pagpapaigting ng safety awareness at pakikipagtulungan sa mga paaralan, magulang at komu

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page