top of page

Pulilan PNP nagsagawa ng school safety information drive

Sep 24
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ang Pulilan Municipal Police Station ng school visitation at information drive sa Bajet-Castillo National High School bilang bahagi ng kampanya para sa kaligtasan at kamalayan ng mga mag-aaral.

Tinalakay sa aktibidad ang anti-bullying, Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313, bomb threat awareness, at responsableng pag-uugali upang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa mga usaping may kaugnayan sa kanilang seguridad.

Pinangunahan ang aktibidad ng Pulilan PNP sa ilalim ni PLTCOL Eric C. Cister, hepe ng pulisya. Nakiisa rin si Barangay Longos SK Chairperson Smith Mercado bilang suporta sa programa.

Layunin ng information drive na makatulong sa pag-iwas sa pang-aabuso, karahasan at iba pang banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral, gayundin ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng pulisya, paaralan, mga magulang at youth leaders.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page