top of page

Pulilenyo esports player sasabak sa 20th Asian Games

Sep 23
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nakatakdang kumatawan sa Pilipinas ang Pulilenyong si Psalm David Cortez ng Barangay Sto. Cristo bilang bahagi ng Team Sibol Identity V sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Makikipagtagisan si Cortez kasama ang pambansang esports team sa Identity V, isa sa mga esports titles na tampok sa kompetisyon.

Nagpaabot naman ng suporta at pagbati si Pulilan Vice Mayor Atty. Imee Cruz kay Cortez bago ang kanyang pagsabak sa international competition.

Ang 20th Asian Games ay nakatakdang idaos sa Aichi-Nagoya, Japan, kung saan magtitipon ang mga atleta mula sa iba't ibang bansa at teritoryo sa Asya para sa iba't ibang sporting events, kabilang ang esports.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page