top of page

‘Pulilenyong Matatag’: Preventive Drug Education at Life Skills Program isinagawa para sa kabataang Pulilenyo


PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong Agosto 26 ang “Pulilenyong Matatag: Preventive Drug Education and Life Skills Development Program” sa Conference Room, 2nd Floor ng Old Municipal Building sa Pulilan.

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang programa katuwang ang Pulilan Municipal Police Station (PNP Pulilan) at sa pakikipag-ugnayan sa Local Youth Development Office (LYDO) at Sangguniang Kabataan Federation of Pulilan.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga Out-of-School Youth (OSY), Children in Conflict with the Law (CICL), at Children at Risk (CAR) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mabigyan sila ng sapat na kaalaman, gabay, at mahahalagang life skills.

Tinalakay sa programa ang karapatan at proteksyon ng mga bata, mga kaugnay na batas, preventive drug education, at life skills development. Layunin din nitong mahikayat ang mga kabataan na maging aktibong youth advocates at makibahagi sa pagsusulong ng ligtas at child-friendly na mga komunidad.

Sa pamamagitan ng programa, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan ang mga inisyatibang nakatuon sa pagprotekta, paggabay, at pagpapaunlad sa mga kabataang Pulilenyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page