top of page

PUP Pulilan nagsagawa ng Mid-Year Assessment Review and Workshop-Training 2026


PULILAN, Bulacan — Sinimulan ng Polytechnic University of the Philippines – Pulilan Campus ang Mid-Year Assessment Review and Workshop-Training 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad sa kakayahan ng mga guro at kalidad ng edukasyon sa pamantasan.

May temang “Empowering Educators for Inclusive Excellence and Quality Improvement,” ginanap ang programa sa Villa Lorenzo Resort at nakatakdang magpatuloy hanggang Agosto 7.

Nakiisa sa unang araw ng programa ang Tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz bilang pagpapakita ng suporta sa mga guro at sa kanilang mahalagang papel sa paghubog at edukasyon ng mga kabataan.

Layunin ng workshop-training na magsilbing pagkakataon para sa assessment, pagpapalitan ng kaalaman, at pagpapahusay ng mga estratehiya upang higit pang mapalakas ang inclusive education at kalidad ng pagtuturo sa PUP Pulilan Campus.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page