top of page

‘Queenie’ nananatiling Severe Tropical Storm; posibleng maging typhoon

Sep 26
1 min read

Nananatiling Severe Tropical Storm ang Bagyong Queenie (Surigae) habang bumabagal ang pagkilos nito sa Philippine Sea, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA alas-5:00 ng umaga ngayong Setyembre 26.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 600 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang maximum sustained winds na 95 kilometers per hour (kph) at pagbugsong umaabot sa 115 kph. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.

Sa kasalukuyan, walang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa. Ayon sa PAGASA, hindi rin inaasahang direktang maaapektuhan ng Queenie ang bansa sa buong forecast period.

Posibleng lumakas bilang typhoon ang Queenie ngayong gabi o bukas. Inaasahan din itong liliko pahilaga-hilagang-silangan sa Linggo ng umaga at lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng hapon o gabi.

Samantala, maaaring umabot sa 2 metro ang taas ng alon sa northern seaboard ng Batanes kaya pinapayuhan ang mga gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na mag-ingat sa paglalayag.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page