top of page

Red Rainfall Warning nakataas sa Bulacan; publiko pinag-iingat sa posibleng pagbaha



BULACAN — Nakataas sa RED Rainfall Warning Level ang ilang lalawigan, kabilang ang Bulacan, ayon sa weather advisory ng PAGASA alas-8:00 ng umaga ngayong Linggo, Agosto 9.

Dahil sa malakas na pag-ulan, pinapayuhan ang mga residente ng Pulilan na manatiling alerto sa posibilidad ng pagbaha, partikular sa mga mabababang lugar at mga komunidad na malapit sa ilog at sapa.

Hinihikayat ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather advisory at agad na lumikas kung kinakailangan o kung ipinag-utos ng mga lokal na awtoridad.

Para sa mga nangangailangan ng agarang tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Pulilan Rescue: 0917-561-6195, PNP Pulilan: 0998-598-5393, at BFP Pulilan: 0949-508-4459.

Manatiling alerto at unahin ang kaligtasan habang nagpapatuloy ang masamang panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page