top of page

RED WARNING sa Bulacan; Pulilan kabilang sa mga lugar na nanganganib sa malubhang pagbaha


BULACAN — Itinaas sa Red Rainfall Warning Level ang Bulacan, kabilang ang Bayan ng Pulilan, dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat ngayong Sabado, Agosto 29.

Batay sa Heavy Rainfall Warning No. 16 na inilabas alas-2:00 ng hapon, nasa Red Warning din ang Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Metro Manila, Cavite, Rizal, at ilang bahagi ng Batangas.

Sa ilalim ng Red Warning Level, may seryosong banta ng pagbaha, dahilan upang payuhan ang mga residente sa Pulilan at iba pang bahagi ng Bulacan na maging lubos na alerto, partikular ang mga nasa mabababang lugar at flood-prone communities.

Nasa Orange Warning Level naman ang Laguna at ilang bahagi ng Batangas at Nueva Ecija dahil sa patuloy na banta ng pagbaha. Yellow Warning Level naman ang umiiral sa ilang bahagi ng Batangas, Quezon, at Nueva Ecija dahil sa posibilidad ng pagbaha.

Pinapayuhan ang publiko na iwasang tumawid o bumiyahe sa mga binabahang lugar at patuloy na bantayan ang kondisyon ng mga ilog, drainage system, at iba pang lugar na mabilis bahain.

Inaasahang maglalabas ng panibagong Heavy Rainfall Warning alas-5:00 ng hapon ngayong araw para sa pinakahuling kondisyon ng pag-ulan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page