top of page

Region III, No. 2 Most Wanted, Tiklo sa Bulacan


Photo: RMN Network (www.rmn.ph)
Photo: RMN Network (www.rmn.ph)

Inaresto sa Barangay Lapnit, San Ildefonso, Bulacan ang isang lalaking tinuturing na No. 2 Most Wanted sa Region III ng  Philippine National Police (PNP) nitong May 3, sa bisa Warrant of arrest na inilabas ng San Ildefonso Municipal Police Station


Kinasuhan ang suspek ng apat na bilang ng statutory rape at tatlong bilang ng Acts of Lasciviousness. Para sa kasong Acts of Lasciviousness, may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱600,000, habang walang itinakdang piyansa para sa kasong statutory rape.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at nakatakdang humarap sa mga kaukulang kaso sa korte.


Patuloy namang ipinapaalala ng PNP ang kanilang kampanya laban sa mga wanted persons at ang pagpapatupad ng katarungan para sa mga biktima.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page