top of page

Regional Most Wanted ng PRO 4A, arestado sa Guiguinto, Bulacan

GUIGUINTO, Bulacan — Naaresto ng mga operatiba ng Guiguinto Municipal Police Station (MPS), katuwang ang San Pablo City Police Station, ang isang lalaking nakalista bilang Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office 4A sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Tuktukan, Guiguinto noong Agosto 23.

Ayon kay PLTCOL Francis B. Magadia, Chief of Police ng Guiguinto MPS, kinilala ang naaresto sa alyas na “Jan,” 38, residente ng Brgy. Tuktukan. Isinagawa ang pagkakaaresto bandang alas-10:37 ng gabi.

Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court Branch 7 sa San Pablo City, Laguna noong Hulyo 24.

Nahaharap ang akusado sa apat na bilang ng Qualified Rape, kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan. Nasa kustodiya siya ng Guiguinto MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon alinsunod sa umiiral na proseso ng batas.

Samantala, sinabi ng Bulacan Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni Acting Provincial Director PCOL Jay B. Baybayan, na patuloy nitong paiigtingin ang manhunt operations at pagpapatupad ng mga warrant of arrest laban sa mga wanted person sa lalawigan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page