top of page

Reiko Chiba, bumisita sa day 2 ng ToyCon Ph Nexus


Dino Buckler!


Matapos ang ribbon-cutting ceremony sa ikalawang araw ng ToyCon Ph Nexus sa SMX Convention Center nitong Hunyo 13. Sumalang sa Q&A panel ang tokusatsu actress na si Reiko Chiba.


Nakapanayam on-stage ang katauhan sa likod ni Ptera Ranger Mei, isang  karakter sa "Kyoryu Sentai Zyuranger", na si Reiko Chiba dakong 1:00 ng hapon sa pinainit na entablado ng Toycon Nexus.


Dito ay sinagot ni Reiko Chiba ang mga katanungan tungkol sa kung saan at paano siya naging isa sa mga cast ng naturang palabas. Si Reiko ang kaisa-isang babae sa main cast ng naturang palabas at ang pinakabata sa edad na 16.


Sa huling bahagi ay ipinakita niya ang kaniyang “transformation” (Henshin) gamit ang kaniyang Dino Buckler na nagpabuhay sa madla.


Ang palabas na Zyuranger ay ipinalabas noong 1992 sa Japan. Ito rin ang naging batayan ng Saban Entertainment noong 1990s upang ilunsad ang Power Rangers sa pamamagitan ng paggamit ng mga Japanese fight scenes at mecha battles,, habang nilalapatan ito ng bagong kuwento at mga eksena.


Ang ToyCon Ph Nexus ay bukas pa hanggang Hunyo 14, araw ng Linggo, sa SMX Convention Center sa lungsod ng Pasay.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page