top of page

Relief goods ipinamahagi sa anim na barangay sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Nagpatuloy ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa paghahatid ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng mga nagdaang pag-ulan at pagbaha dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Pinangunahan ni Mayor RJ Peralta, kasama si Vice Mayor Atty. Imee Cruz at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang pagpunta sa iba't ibang barangay upang personal na mamahagi ng relief goods at kumustahin ang kalagayan ng mga residente.

Kabilang sa mga binisitang lugar ang Dampol 1st, Paltao, Dulong Malabon, Sta. Peregrina, Peñabatan, at Tinejero, kung saan nakipag-usap din ang mga opisyal sa mga mamamayan hinggil sa kanilang kalagayan at pangangailangan.

Bagama't bumuti na ang lagay ng panahon, patuloy ang monitoring ng lokal na pamahalaan sa mga komunidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pulilenyo sakaling muling magkaroon ng malalakas na pag-ulan bunsod ng Habagat.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page