top of page

Relief goods ipinamahagi sa apat pang barangay sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa bayan.

Ngayong araw, namahagi ng relief goods sa mga residente ng Brgy. Balatong B, Tabon, Longos, at Dampol 2nd B bilang bahagi ng patuloy na relief operations ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan nina Mayor RJ Peralta at Vice Mayor Atty. Imee Cruz, kasama ang Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan, ang patuloy na pag-abot ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng masamang panahon.

Pinasalamatan din ang mga frontliners na naging malaking bahagi ng operasyon, mula sa pagbabalot hanggang sa pamamahagi ng relief goods sa mga residente.

Patuloy namang mino-monitor ng lokal na pamahalaan ang kalagayan ng mga komunidad upang matugunan ang pangangailangan ng mga Pulilenyo habang nagpapatuloy ang epekto ng mga pag-ulan at pagbaha.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page