top of page

Relief goods ipinamahagi sa mga pamilyang apektado ng Habagat sa Guiguinto


GUIGUINTO, Bulacan — Nagsagawa ng relief operation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Bulacan Police Provincial Office (PPO) para sa mga pamilyang naapektuhan ng Southwest Monsoon o Habagat sa ilang barangay sa Guiguinto.

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa Barangay Malis, Brooklyn Heights Subdivision, Barangay Tuktukan at Barangay Panginay, kung saan nakatanggap ang mga apektadong residente ng relief goods at iba pang pangunahing pangangailangan.

Nakiisa sa operasyon sina Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alexis C. Castro, at PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, kasama ang iba pang personnel na tumulong sa pamamahagi.

Bahagi ang relief operation ng patuloy na pagtugon sa mga komunidad na naapektuhan ng ilang araw na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat sa lalawigan.

Patuloy naman ang koordinasyon ng mga lokal na awtoridad at response personnel upang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng nananatiling apektado ng pagbaha at masamang panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page