top of page

Relief goods ipinamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Nagpatuloy ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pamamahagi ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng bayan.

Nagtungo sina Vice Mayor Atty. Imee Cruz at Mayor RJ Peralta, kasama ang mga miyembro ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan, sa Brgy. Balatong B, Tabon, Longos, at Dampol 2nd B upang personal na maihatid ang tulong sa mga residente.

Bahagi ang pamamahagi ng patuloy na relief operations ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga pamilyang nakaranas ng epekto ng masamang panahon.

Tiniyak naman ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal at kinauukulang tanggapan upang maihatid ang kinakailangang serbisyo at suporta sa mga Pulilenyo, partikular sa mga komunidad na apektado ng pag-ulan at pagbaha.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page