top of page

Roblox, PH government nagkasundo sa mas mahigpit na child safety measures


MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Pamahalaan ng Pilipinas at Roblox sa serye ng mga hakbang upang palakasin ang proteksiyon ng mga bata sa online platform, kabilang ang mas mahigpit na age verification, mas mabilis na koordinasyon sa law enforcement agencies, at mas mahusay na pagtukoy sa mapanganib na content.

Nabuo ang mga commitment sa pulong na pinangunahan ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda, kasama ang mga opisyal mula sa National Bureau of Investigation (NBI), National Telecommunications Commission (NTC), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), Kongreso, at Office of the Executive Secretary.

Kabilang sa mga napagkasunduan ang pagbuo ng Technical Working Group (TWG) na pag-aaralan ang paggamit ng Facial Age Estimation, ID Verification, at posibleng PhilSys Verification upang mapahusay ang pagpapatunay ng edad ng mga gumagamit ng Roblox.

Nangako rin ang Roblox na patuloy na magbibigay ng kinakailangang impormasyon sa awtorisadong mga ahensya ng Pilipinas, alinsunod sa umiiral na batas at due process, upang makatulong sa mga imbestigasyon. Patuloy ding isasama ang mga awtoridad sa Kodex Law Enforcement Portal, na nagbibigay ng 24/7 communication channel para sa investigations at legal requests.

Magtatalaga rin ang Roblox ng liaison officer na direktang makikipag-ugnayan sa mga awtoridad, kabilang ang NBI. Bukod dito, nagpahayag ang kumpanya ng kahandaang i-localize ang safety systems nito upang mas mahusay na matukoy ang mga mapanganib na salita, parirala, at content na maaaring maglagay sa mga batang Pilipino sa panganib.

Palalakasin naman ng DICT at NBI ang cross-platform monitoring upang matunton ang mapanganib na aktibidad na maaaring lumipat mula sa isang online platform patungo sa iba.

“These are concrete commitments. Now, the focus is on implementation,” ayon kay Aguda, na nagsabing hindi matatapos sa Roblox ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga digital platform.

Inaasahang Discord naman ang susunod na kakausapin ng DICT bilang bahagi ng mas malawak na child online safety initiative ng pamahalaan, kasunod ng mga alalahanin kaugnay ng online grooming, harmful content, at paggamit ng private online communities sa pagsasamantala sa mga menor de edad.

Hinimok din ng DICT ang mga magulang na gamitin ang parental controls at iba pang safety features ng mga online platform upang makatulong na mabawasan ang unwanted contact at exposure ng mga bata sa mapanganib na content.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page