top of page

Rondina, Pons tumaob kontra Danish duo na Bisgaard at Høg

Lagapak ang volleyball duo na sina

matapos patalsikin ng Danish tandem na sina Sofia Bisgaard at Cirkeline Høg sa iskor na 19-21, 17-21 sa Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge nitong hapon ng Miyerkules, ika-21 ng Mayo, na ginanap sa Nuvali Sand Courts, Laguna, Philippines.


Sa simula pa lamang ng unang set, mabilis na nakapuntos sina Rondina at Pons gamit ang malalakas na palo na nagbigay sa kanila ng bentahe habang pilit hinahabol ng Danish players ang iskor, 5-4.


Sa pagpapatuloy ng laro, naging mas matatag ang kooperasyon nina Bisgaard at Høg kaya’t nagawa nilang maungusan ang kabilang koponan, 8-9.


Dahil sa dikitang laban, muling humataw sina Rondina at Pons at nagawang makuha ang kalamangan, 15-13.


Hindi rin nagpahuli sina Bisgaard at Høg kaya’t muling nakakuha ng ilang puntos ang dalawa na nagbigay sa kanila ng mataas na tsansa upang makuha ang unang set, 19-17.


Tinapatan nina Rondina at Pons ang kabilang koponan ng matitibay na depensa, ngunit mas naging determinado ang bawat palo nina Bisgaard at Høg na nagselyo sa unang set, 21-19.

Matapos makuha ang unang set, nakabuo ng momentum ang Danish duo na nagpahirap sa Pinay players, 9-5.


Muling pinatatag nina Rondina at Pons ang kanilang depensa laban sa sunod-sunod na atake ng kalaban.


Sa kabila nito, nagawa pa ring basagin nina Bisgaard at Høg ang depensa ng Pinay duo, kaya’t nanatili sa kanila ang kalamangan, 14-9.


Sa pagtutulungan upang makahanap ng tiyempo, nagawang umatake nina Rondina at Pons na nagbigay ng pag-asa sa koponan kahit lamang pa rin ang kalaban, 14-19.


Habang umaasang makabawi sa set na ito sina Rondina at Pons, nakahanap naman ng butas si Bisgaard na hindi niya sinayang upang makuha ang huling puntos na nagtapos sa laro, 21-17.


SISI RONDINA (left) and BERNADETH PONS Photo Courtesy: https://www.bworldonline.com/
SISI RONDINA (left) and BERNADETH PONS Photo Courtesy: https://www.bworldonline.com/

“It was still a good game for us. I only had almost three weeks of training while Pons had around two weeks, but despite that, we were still able to keep up somehow,” ani Rondina.


“Our opponents also regularly compete in Elite 16 tournaments, so they're really high-level teams. But we're not making excuses because we still gave our best. They just played the better game today,” dagdag pa niya.


Matapos masungkit ang panalo, lalaban sina Bisgaard at Høg sa susunod na round kung saan makakatapat nila sina Markéta Davidová at Anhelina Khmil ng Ukraine.



Samantala, dahil sa pagkatalo nina Rondina at Pons laban kina Bisgaard at Høg, babagsak sila sa losers’ bracket kung saan makakatapat nila sina Annique Niederhauser at Menia Bentele ng Switzerland.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page