top of page

Rural Bank of Apalit nagsagawa ng earthquake drill; MDRRMO Pulilan nagsagawa ng assessment


PULILAN, Bulacan — Matagumpay na nagsagawa ng Earthquake Drill ang Rural Bank of Apalit, Inc. bilang bahagi ng mga hakbang nito sa pagpapalakas ng kahandaan sa lindol at iba pang kalamidad.

Nagsagawa naman ng evaluation at assessment ang Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang masuri ang pagsunod ng mga opisyal at empleyado ng bangko sa mga itinakdang emergency procedures sa panahon ng lindol.

Ayon sa MDRRMO, layunin ng assessment na matukoy ang mga aspeto ng disaster preparedness at emergency response na maaari pang mapabuti sa pamamagitan ng mga rekomendasyon batay sa isinagawang drill.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kultura ng kahandaan sa sakuna at pagpapatibay ng kaligtasan sa mga institusyon at komunidad sa bayan ng Pulilan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page