top of page

Rybakina lumusot, Eala laglag sa Italian Open


Filipina tennis sensation Alex Eala shares a handshake with world No. 2 Elena Rybakina following their third-round clash at the Italian Open on May 11, 2026, held at the BNP Paribas Arena in Rome. 📸 Dyan Castillejo, ABS-CBN News
Filipina tennis sensation Alex Eala shares a handshake with world No. 2 Elena Rybakina following their third-round clash at the Italian Open on May 11, 2026, held at the BNP Paribas Arena in Rome. 📸 Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Nasungkit ni No. 2 Elena Rybakina ng Kazakhstan ang panalo kontra kay Alex Eala ng Pilipinas matapos kumamada ng iskor na 6-4, 6-3 sa Round of 32 ng Italian Open, na ginanap sa Foro Italico sa Rome, Italy kahapon, ika-10 ng Mayo.


Hindi man nakamit ang panalo, dala-dala pa rin ni Eala ang karangalan ng Pilipinas matapos ang dalawang panalo laban kina Magdalena Fręch ng Poland at Wang Xinyu ng China bago pa makaharap si Elena Rybakina.


Sa simula ng unang set, habang gamit ni Rybakina ang mabibigat na hampas, hinaharang naman ito ni Eala gamit ang pangbakbakang depensa, 2-2.


Gitgitan ang laban ngunit hindi nagpatinag si Rybakina, gamit ang matitinding service at baseline shots na nagpaabante sa kanya laban kay Eala, 3-2.


Mula noong nakuha ni Rybakina ang momentum, nahirapan nang bumawi si Eala na natapos sa unang round, 6-4.


Ngayong nakuha ang panalo sa unang set, muling humataw si Rybakina sa ikalawang set at nakuha ang 1 point laban kay Eala, 1-0.


Sa kagustuhang makaganti, nakibaka si Eala upang kontrahin ang tira ni Rybakina, 2-1, bentahe para kay Eala.


Hindi pumayag na magpa-iwan si Rybakina, kaya gamit ang solid na forehand strikes, nagawa niyang lumamang, 3-2.


Hindi na pinaalpas ang lamang. Umiskor muli ng palo si Rybakina na nagpalubog sa iskor ni Eala, 5-3.


Kahit matatag ang depensa ni Eala, hindi pa rin niya kinaya ang mababagsik na service ni Rybakina na sumelyo sa ikalawa at huling laban, 6-3.


Ngayong hawak na ang tagumpay sa Round of 32, aarangkada si Elena Rybakina sa larong Round of 16, kung saan maaaring makalaban niya si Laura Siegemund o Karolína Plíšková depende sa magiging resulta.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page