top of page

Salin-Lente Batch 2 sumabak sa Photography Basics Training sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng Photography Basics Training para sa Batch 2 members ng Salin-Lente mula sa St. Dominic Academy, Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School, at Sta. Peregrina High School sa Pavilion II, AIC Headquarters sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan.

Pinangunahan ang programa sa inisyatiba ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz bilang bahagi ng patuloy na pagsasanay sa mga kabataang campus journalist upang mahasa ang kanilang kakayahan alinsunod sa praktikal at kasalukuyang pamantayan sa journalism at visual storytelling.

Tinalakay sa training ang mga pangunahing konsepto sa photography, partikular ang Exposure Triangle — aperture, shutter speed, at ISO — at kung paano nakaaapekto ang bawat setting sa exposure at kalidad ng isang larawan.

Matapos ang talakayan, isinabak ang mga participants sa isang afternoon workshop, kung saan aktuwal nilang ginamit ang kanilang natutunan sa pagkuha ng litrato gamit ang iba't ibang photographic compositions at techniques.

Layunin ng pagsasanay na hindi lamang maituro ang paggamit ng camera, kundi mahasa rin ang kakayahan ng mga kabataan na kumuha ng mga larawang may malinaw na komposisyon at epektibong nakapagsasalaysay ng isang kuwento—isang mahalagang kasanayan sa campus journalism at modernong multimedia.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page