top of page

SALIN-LENTE, MATAGUMPAY NA IDINAOS ANG IKATLONG PODCAST SESSION

Updated: Jun 7



Naging mabisa ang pagsasagawa ng mga miyembro ng Salin-Lente sa kanilang ikatlong podcast session na "May Ka-Talk," nitong sabado, Hunyo 6, sa Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan.


Tinalakay ng mga host na sina Cherry Galvez, Ronalyn Tuzon, at Rea Tenorio, pawang mga miyembro ng Salin-Lente, ang kani-kaniyang karanasan mula sa mga proyektong nakatalaga sa naturang samahan nitong mga nakaraang linggo.


Sa pagpapanayam ng mga host, mayroon silang mga nakausap na iba't ibang miyembro ng samahan, na naghain din ng kanilang mga dinanas.


Ilan sa mga ito ay sina Queen Icelle De Jesus at Franzine Lozada. Sila ay nagpahayag ng kanilang pananaw, hingil sa mga naranasan at paparating palang na proyekto ng grupo.


Nagpahayag din ng karanasan sina Jasmine Bactol, Eury Peralta, Hailey Peronce, at Bhryx Garcia— katuwang uli sa nasabing samahan. Sila naman ay naglabas ng kanilang nadama matapos matikman ang pagiging isang news anchor sa live news casting series ng Salin-Lente na "What's News," na ginaganap din tuwing sabado. Dito naman ay tinatalakay ang iba't ibang mga artikulo ng mga Salin-Lente members, na nakalathala sa website ng Pulilan News Hub.


Sa pagsasagawa ng weekly podcast at live news casting series ng Salin-Lente, higit na nahahasa ng mga miyembro ang kanilang kakayahan sa iba't ibang larangan, maging sa pagsulat man, o pagharap sa kamera.


Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page