top of page

Salin-Lente members sasabak sa EDDIS Level Schools Press Conference

Sep 29
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nakatakdang lumahok ang ilang miyembro ng Salin-Lente: Pulilan Film Society sa EDDIS Level Schools Press Conference na gaganapin ngayong Sabado.

Bilang suporta sa mga student journalist, nagpahiram ang mga trainer ng Salin-Lente ng mga camera na gagamitin ng mga kalahok sa kanilang mga kaukulang kompetisyon sa press conference.

Ang paglahok sa kompetisyon ay magsisilbing pagkakataon para sa mga miyembro na mailapat ang kanilang mga natutunan mula sa regular na journalism at multimedia training ng organisasyon.

Patuloy na nagsasagawa ang Salin-Lente ng mga pagsasanay upang mahasa ang mga kabataang Pulilenyo sa journalism, photography, videography at iba pang larangan ng multimedia.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page