top of page

Salin-Lente, nagsagawa ng lingguhang media training at halalan ng Batch 2 trainee officers


PULILAN, Bulacan — Isinagawa ng Salin-Lente: Pulilan Film Society ang kanilang lingguhang training noong Hulyo 18 sa Pavillon II ng Atty. Imee Cruz Headquarters sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan.


Dinaluhan ang aktibidad ng mga mag-aaral mula Grade 8 pataas na nagmumula sa iba't ibang pampublikong paaralan sa bayan. Bahagi ng programa ang halalan ng mga opisyal ng Batch 2 Trainees, na magsisilbing kinatawan at mangunguna sa mga gawain ng bagong pangkat ng mga trainees.


Kasunod ng eleksyon, nagsagawa rin ng lecture tungkol sa graphic design para sa social media at mga pangunahing kaalaman sa paggamit ng Adobe Photoshop. Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kasanayan ng mga kabataan sa digital content creation at visual communication na mahalaga sa makabagong larangan ng media.


Patuloy na isinusulong ng Salin-Lente ang pagbibigay ng libreng pagsasanay sa multimedia at campus journalism upang mahubog ang talento ng mga kabataang Pulilenyo at maihanda sila sa iba't ibang oportunidad sa larangan ng media at komunikasyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page