top of page

Salin-Lente students sumabak sa ikalawang bahagi ng practical radio broadcasting training

Sep 19
1 min read

PULILAN, Bulacan — Sumabak sa serye ng practical exercises sa radio broadcasting ang mga student members ng Salin-Lente: Pulilan Film Society bilang ikalawang bahagi ng kanilang media training na ginanap sa headquarters ni Pulilan Vice Mayor Atty. Imee Cruz.

Nakatuon ang training sa aktuwal na pagsasanay sa news reporting at radio commentary, kung saan inilapat ng mga participants ang tamang delivery, articulation at modulation sa pagbabalita at pagbibigay ng komentaryo.

Sinubukan din ng mga estudyante ang pagiging radio DJ at host, kabilang ang pagpapakilala ng kanta at simulated conversation kasama ang isang caller. Bahagi ng exercise ang pagpapanatili at pagpapahaba ng natural na usapan sa pamamagitan ng follow-up questions at spontaneous responses.

Nagsanay rin ang mga participants sa basic commercial voice-over, kung saan gumawa sila ng voice delivery para sa iba't ibang produkto bilang introduksyon sa paggamit ng boses sa advertising at media production.

Ang training ay bahagi ng patuloy na media development program para sa mga miyembro ng Salin-Lente. Sa susunod na training session, mas pagtutuunan naman ng pansin ang voice-over techniques at basic dubbing upang higit pang mapalawak ang kanilang practical skills sa audio at broadcast production.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page