top of page

Salin-Lente students sumabak sa livestream ng PUP Pulilan graduation

Sep 10
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nakiisa ang mga miyembro ng Salin-Lente: Pulilan Film Society sa FPS Media PH sa pagsasagawa ng livestream ng 18th Commencement Exercises ng Polytechnic University of the Philippines–Pulilan Campus (PUP Pulilan) noong Setyembre 9 sa Villa Lorenzo Resort Center, sa suporta ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz.

Pinangunahan ang Salin-Lente production team ng pangulo nitong si Ishabel “Isha” Bantilo ng Sta. Peregrina High School, kasama sina James Timothy de Leon, Karole Louise Adriano, Jasmine Asuncion, at Mark Jansen Olinares.

Sa aktuwal na production, ginabayan ang mga kabataang miyembro nina FPS Media PH Senior Cameraman Aga Barba at Technical Operator Lex Aya-ay, kung saan aktuwal nilang naranasan ang workflow at mga teknikal na proseso sa pagsasagawa ng livestream.

Nagsilbi ang coverage bilang hands-on application ng patuloy na media training ng Salin-Lente, kung saan nagamit ng mga miyembro sa isang aktuwal na production environment ang mga kasanayang kanilang natutunan mula sa mga naunang workshop at pagsasanay.

Patuloy na sinusuportahan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz ang media training ng mga miyembro, habang nagsisilbing technical partner ang FPS Media PH sa pagbibigay sa mga kabataan ng praktikal na karanasan sa livestreaming at multimedia production.

Sa pamamagitan ng collaboration, naging bahagi ang mga miyembro ng Salin-Lente sa aktuwal na paghahatid ng online coverage ng commencement exercises habang patuloy na hinahasa ang kanilang kakayahan sa media production.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page