top of page

Salin Lente; sumailalim sa Radio Broadcasting training

Sep 12
1 min read

Nagkaroon ng pag-eensayo patungkol sa Radio Broadcasting and Voice Over bilang unang parte ng pagsalin ng kaalaman para sa mga estudyante sa Pulilan, Bulacan. Isinagawa ito sa loob ng AIC Headquarters, Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan, upang maging bahagi ng workshop ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz nitong September 12, 2026.

Lubos na kasiyahan at kasanayan ang ipinakita ng mga kabataang nag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan. Nakiisa sa pagsasanay ang paaralang Bajet-Castillo High School (BCHS), kasama ang iba pang paaralan tulad ng Gloria Esguerra T. S. Pereña National High School (GETSPNHS), National University (NU), Bulacan State University (BulSU), at Sta. Peregrina National High School, upang maging bahagi ng pagkakaisa sa naturang pag-eensayo ng Broadcasting and Voice Over.

Dito pumapasok ang pagpapaunlad ng boses ng mga taong nais magkaroon ng magandang experience sa larangan ng Radio Broadcasting, upang mapalalim ang kahusayan sa pagsasalita o pagde-deliver ng malinaw na pagbigkas sa mga salitang ibabalita. Kabilang dito ang pagkakaroon ng breath control, voice modulation, pacing, proper intonation, emphasis, at iba pang kasanayang dapat taglayin ng mga brodkaster.

Labis naman ang pagpapasalamat na ibinahagi ng mga kabataang Pulileño sa kanilang tagapagturo na si G. Heiri Del Rosario, na siyang nagbigay ng pahayag at datos para sa pagsasanay na idinaos.

Ayon sa mga kabataang lumahok, inaasahan pa ang susunod na bahagi ng pagsasanay sa Radio Broadcasting at Voice Over na nakatakdang ipagpatuloy sa kanilang mga susunod na pagkikita.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page