top of page

San Simon hindi na passable sa Class 1 vehicles; maliliit na sasakyan sinasala sa NLEX Sta. Rita

BULACAN — Hindi na pinadaraan sa San Simon section ng NLEX ang Class 1 vehicles dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha, batay sa traffic situation bandang alas-1:40 ng hapon ngayong Agosto 31.

Sa Sta. Rita Northbound, sinasala na ang mga sasakyang bumibiyahe patungong hilaga. Mga bus, truck at iba pang malalaking sasakyan na lamang ang pinadaraan patungo sa San Simon dahil sa kondisyon ng baha.

Ang mga maliliit na sasakyan na northbound ay maaari lamang magpatuloy kung lalabas sa Pulilan Exit. Hindi na rin pinapapasok ang maliliit na sasakyan sa Sta. Rita Northbound Entry.

Samantala, normal naman ang iniulat na daloy ng trapiko sa direksiyong southbound patungong Metro Manila.

Pinapayuhan ang mga motoristang may planong bumiyahe patungong hilaga na planuhing mabuti ang kanilang ruta, maglaan ng karagdagang oras sa biyahe, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na NLEX traffic advisory dahil maaaring magbago ang sitwasyon depende sa lebel ng baha.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page