top of page

San Simon, San Fernando at Mexico SB Toll Plazas bukas na sa lahat ng uri ng sasakyan


PAMPANGA — Muli nang binuksan sa lahat ng vehicle classes ang San Simon, San Fernando at Mexico Southbound Toll Plazas ng North Luzon Expressway (NLEX), batay sa motorist advisory alas-5:10 ng umaga ngayong Setyembre 1.

Gayunman, dahil sa nananatiling water buildup sa San Simon, ang mga Class 1 vehicle ay maaari lamang dumaan sa leftmost lane o Lane 1 sa apektadong bahagi.

Pinapayuhan naman ang mga Class 1 motorist na manggagaling sa SCTEX o TPLEX patungong Metro Manila na gamitin ang CLLEX patungong Maharlika Highway bilang alternatibong ruta upang makaiwas sa kondisyon ng kalsada sa San Simon.

Patuloy na pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa pagbiyahe at subaybayan ang mga susunod na traffic advisory ng NLEX para sa anumang pagbabago sa kondisyon ng expressway.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page