top of page

Sasakyang nahulog sa patubig sa Poblacion, Pulilan matagumpay na naiahon; walang nasaktan

Sep 3
1 min read

PULILAN, Bulacan — Matagumpay na naiahon ang isang sasakyang nahulog sa patubig sa Barangay Poblacion, Pulilan sa isinagawang vehicle recovery operation noong Setyembre 3.

Rumesponde sa insidente ang Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Traffic Management Office (TMO), katuwang ang Rebtrade at iba pang indibidwal at grupong tumulong sa operasyon.

Nagtulungan ang mga responder upang ligtas na maiangat at mailabas ang sasakyan mula sa patubig.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Hindi pa tinukoy sa inilabas na impormasyon ang dahilan kung paano nahulog ang sasakyan sa patubig.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page