top of page

Saudel, Atsani at dating Neneng, patuloy na binabantayan sa labas ng PAR


PILIPINAS — Tatlong weather system ang patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring update alas-2:00 ng madaling araw ngayong Agosto 25.

Nananatili sa labas ng PAR ang Typhoon Saudel, na dating pinangalanang Obet habang nasa loob ng PAR.

Samantala, patuloy na humihina ang Tropical Storm Atsani at inaasahang magiging Tropical Depression habang nananatili sa labas ng PAR.

Humina na rin bilang Low Pressure Area (LPA 08f) ang Tropical Depression Gaenari, na dating Neneng. Ayon sa monitoring update, “UNLIKELY” o mababa ang posibilidad nitong muling maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather update at bulletin mula sa DOST-PAGASA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page