top of page

SC: Kongreso obligadong magpasa ng batas kontra political dynasty

Sep 17
1 min read

Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Kongreso na tuparin ang obligasyon nito sa ilalim ng 1987 Constitution at magpasa ng batas na magbabawal sa political dynasties sa bansa sa lalong madaling panahon.

Sa desisyong may petsang Agosto 26, 2026 at isinapubliko noong Setyembre 16, sinabi ng Korte na ang Article II, Section 26 ng Konstitusyon ay nagtatakda ng mandatory constitutional duty na magpatupad ng batas laban sa political dynasties.

Ayon sa SC, ang kabiguan ng Kongreso na magpasa ng naturang batas sa loob ng 39 na taon ay maituturing na “grave abuse of discretion.” Nagpalabas din ang Korte ng writ of mandamus upang atasan ang Senado at House of Representatives na gampanan ang naturang tungkulin.

Inatasan ang Kongreso na bumuo ng batas na magbibigay ng depinisyon sa political dynasty at magtatakda ng saklaw ng pagbabawal. Binigyang-diin ng Korte na ang pariralang “as may be defined by law” sa Konstitusyon ay nagbibigay sa Kongreso ng tungkuling tukuyin ang mga detalye ng pagbabawal.

Ang desisyon ay nagmula sa consolidated petitions na humiling sa Korte Suprema na obligahin ang Kongreso na ipatupad ang matagal nang probisyon ng Konstitusyon laban sa political dynasties.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page