top of page

Scholarship program binuksan para sa mga estudyanteng Pulileño

Oct 3
1 min read

PULILAN, Bulacan — Binuksan ang aplikasyon para sa Bounty Cares Scholarship Program para sa mga kwalipikadong estudyanteng Pulileño, sa pakikipagtulungan ng Bounty Cares Foundation Inc., Pamahalaang Bayan ng Pulilan at Bulacan Agricultural State College (BASC).

Tatanggap ng aplikasyon mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2026, para sa mga estudyanteng pasok sa itinakdang kurso, year level at iba pang qualifications ng programa.

Kailangang kumpletuhin ng mga interesadong aplikante ang application form at isumite ang mga kinakailangang dokumento bago ang deadline.

Layunin ng scholarship program na magbigay ng karagdagang suportang pang-edukasyon sa mga kwalipikadong kabataang Pulileño upang makatulong sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page