top of page

School-Based Feeding Program at Milk Feeding Activity, inilunsad sa Pulilan Central School


PULILAN, Bulacan — Pormal na inilunsad noong Hulyo 8 ang National Kick-Off ng School-Based Feeding Program at Milk Feeding Activity sa Pulilan Central School, na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.


Layunin ng programa na mapabuti ang kalagayang pangnutrisyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng regular na school-based feeding at milk feeding, bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang suportahan ang kanilang kalusugan at pagkatuto.


Sa paglulunsad ng programa, binigyang-diin ang kahalagahan ng sapat na nutrisyon sa paghubog ng kaisipan at pangkalahatang pag-unlad ng mga mag-aaral upang mas maging handa sila sa kanilang pag-aaral.


Inaasahang makatutulong ang School-Based Feeding Program at Milk Feeding Activity sa pagpapababa ng malnutrisyon sa mga paaralan at sa pagsusulong ng mas malusog at mas produktibong kabataang Pilipino.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page