top of page

School safety drill isinagawa sa San Rafael, Bulacan kasunod ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan

Sep 3
1 min read

SAN RAFAEL, Bulacan — Lumahok ang mga mag-aaral ng Carlos F. Gonzales High School sa Barangay Maguinao sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill noong Huwebes, Setyembre 3.

Pinangunahan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa Department of Education (DepEd), lokal na pamahalaan, at mga ahensiyang nakatutok sa public safety at disaster response.

Layunin ng drill na palakasin ang seguridad at emergency preparedness ng mga paaralan at ihanda ang mga mag-aaral, guro at school personnel sa tamang pagtugon sa mga posibleng insidenteng maaaring magbanta sa kanilang kaligtasan.

Isinagawa ang nationwide safety drill kasunod ng mga naitalang insidente ng karahasan sa ilang paaralan sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Bahagi rin ng aktibidad ang pagpapaigting ng koordinasyon sa pagitan ng mga paaralan at mga lokal na awtoridad upang mapahusay ang pagtugon sa mga emergency at iba pang banta sa school safety.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page