top of page

School safety drill para sa active attack incidents isinagawa sa tatlong paaralan sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Tatlong paaralan sa Pulilan ang lumahok sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents ng Department of Education (DepEd) noong Agosto 25.

Isinagawa nang sabay-sabay ang drill alas-9:00 ng umaga sa Segundo Esguerra Sr. Memorial Elementary School, Pulilan Central School, at Dampol B Elementary School.

Nag-monitor sa pagsasagawa ng aktibidad ang Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang ang Bureau of Fire Protection-Pulilan at Philippine National Police-Pulilan.

Nagsagawa rin ang mga awtoridad ng assessment gamit ang itinakdang checklist upang maitala at masuri kung paano ipinatupad ng bawat paaralan ang kanilang safety procedures sa panahon ng drill.

Layunin ng aktibidad na masukat ang kahandaan at koordinasyon ng mga paaralan at masuri ang kanilang kakayahang sumunod sa mga itinakdang protocol sakaling magkaroon ng active attack incident.

Bahagi rin ito ng pagpapaigting ng emergency preparedness at response capabilities ng mga paaralan upang mapahusay ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at iba pang school personnel.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page