top of page

Sen. Alan, Pia Cayetano lumabas ng bansa; walang hold departure order — airport authorities

Sep 10
1 min read

Kumpirmadong lumabas ng bansa sina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano matapos silang mamataan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 9.

Batay sa ulat, namataan si Sen. Alan Cayetano habang papasok sa Gate 109 ng terminal. Makikita umano sa flight information monitor na nakatakda ang Singapore Airlines Flight SQ921, na posibleng sinakyan ng senador.

Bago pumasok sa gate, nagpaunlak pa umano si Cayetano na magpakuha ng larawan sa ilang kapwa pasahero. Nakalagay na rin ang “final call” advisory para sa flight nang siya ay mamataan sa lugar.

Hindi naman kasama sa naturang larawan si Sen. Pia Cayetano, ngunit ayon sa ulat ay nakita umano siya ng ilang airport personnel sa check-in counter ng Terminal 3.

Nilinaw ng airport authorities na walang legal na dahilan upang pigilan ang magkapatid sa pag-alis ng bansa dahil wala silang hold departure order na magbabawal sa kanilang bumiyahe.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page