top of page

Simpleng SONA 2026; Paghahanda sa SONA


Patuloy na naghahanda ang Pamahalaan para sa paparating na panglimang (5) State of the Nation Address (SONA) ni His Excellency Pangulong. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa darating na Hulyo 27, 2026 sa Batasang Pambansa sa Quezon City.


Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nasa itinatayang 1,800+ ang dadalo sa Plenary Hall, kasama na rito ang mga Senado, Kamara, miyembro ng diplomatic corps at iba pa.


Imbes na engrande at pormal na damit ang susuotin sa darating na araw, inaanyayahan ang attendees at lawmakers na magsuot ng Filipiniana, upang mabagay sa tema dahil ang tema ay simple lamang.


Ngunit sa kabilang banda, maaaring maranasan ang matinding trapiko sa Commonwealth, at maaaring isara ang daan na Batasang-IBP Road sa ika-8 ng umaga.


Ang PCSO o The Philippine Charity Sweepstakes Office naman ang naatasang maguna sa ating pambansang awit.


Nasa mahigit 20,000 ang ipapakawalan ng pulisya upang magbantay ng labas at loob ng Batasang Pambansa upang masiguro ang seguridad ng bawat isa.


Inaasahang sasabihin o tatalakayin ni Marcos ang kanyang balak sa kanyang nakalipas na apat (4) na termino at kung ano ang kanyang mga nagawa o natapos sa kanyang termino. Ang SONA ay para sa pagpapahayag ng kalagayan ng ating bansa at paglalahad ng mga plano.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page