top of page

Social Pension Payout sa Pulilan, ipinagpaliban dahil sa Habagat


PULILAN, Bulacan — Ipinagpaliban ang nakatakdang Social Pension Payout para sa mga benepisyaryo sa SM Center Pulilan ngayong Agosto 19 dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Ang pagpapaliban ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 ng Office of the President, na sumasaklaw sa Bulacan at iba pang lugar na maaaring makaranas ng pagbaha at mapanganib na kondisyon sa pagbiyahe.

Isinagawa ang hakbang bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng mga benepisyaryo, partikular ang mga senior citizen na inaasahang magtutungo sa payout venue.

Maglalabas ang MSWD Pulilan ng panibagong iskedyul para sa Social Pension Payout. Pinapayuhan ang mga benepisyaryo na hintayin ang opisyal na anunsyo at huwag munang magtungo sa payout venue hangga't wala pang bagong schedule.

Hinihikayat din ang publiko na iwasan muna ang hindi kinakailangang pagbiyahe habang patuloy ang masamang lagay ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page