top of page

SSS Palengke Caravan, inilunsad sa Pulilan Public Market


PULILAN, Bulacan — Inilapit ng Social Security System (SSS) ang iba't ibang serbisyo nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng SSS Palengke Caravan ngayong Agosto 28 sa New Pulilan Public Market.

Isinagawa ang caravan mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa 2nd Floor Conference Room ng palengke upang mas mapadali ang pagproseso ng mga transaksyon ng mga stall owner, vendor, mamimili, pensioner, at iba pang residente ng Pulilan.

Kabilang sa mga serbisyong maaaring ma-avail ang SSS membership registration at issuance of SS number, updating at verification ng member records, Annual Confirmation of Pensioners (ACOP), My.SSS registration at password reset, at Payment Reference Number (PRN) generation.

Maaari ring magproseso ng pension loan at benefit claim applications, gayundin ng iba pang online-related SSS transactions.

Layunin ng Palengke Caravan na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng SSS sa komunidad upang hindi na kailangang bumiyahe nang malayo ang mga residente para sa kanilang mga SSS concern at transaksyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page